100% foreign ownership sa telcos, ‘di nat’l security issue – DICT

100% foreign ownership sa telcos, ‘di nat’l security issue – DICT

March 23, 2022 @ 2:27 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang nakikita ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na kahit na anumang national security threat sa pagpapasa ng batas na nagkakaloob ng 100% foreign ownership ng public services gaya ng telecommunications.

Ang paliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel “Manny” Caintic, sa kabila ng na- reclassify ang telecommunications bilang public services sa ilalim ng kamakailan lamang na batas na nag-amiyenda sa Public Service Act, nananatili pa rin aniya itong “subject to existing laws ” at isasailalim sa cybersecurity checks sa pamamagitan ngCybersecurity Bureau ng DICT at tinatawag na third-party audits.

“Wala naman tayong nakikitang magiging problema dahil mapapasalaob pa rin sila ng mga existing laws. Sisiguraduhin natin na may regular na cybersecurity checks at tsaka susunod pa rin sila sa mga alituntunin bilang mga telco companies. ‘Yung pagmamay-ari naman, hindi ibig sabihin na hindi na sila susunod sa ating mga patakaran at mga alituntunin na ito,” ayon kay Caintic.

Ang telecommunications at iba pang public services gaya ng railways, airlines, at logistical facilities ay classified bilang public utilities. Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang mga dayuhan ay maaari lamang mag-may-ari ng 40% ng public utilities.

“Ang kagandahan po dito sa mga amendments na ito, ang telco kasi medyo high capital investment na industry kung kaya kailangan ng magandang foreign direct investments para dito parang sa gano’n ay gumanda ang ating serbisyo, mas gaganda ang internet service sa ating bansa, at lumaganap pa ‘yung pag-latag ng mga fibers, ng mga towers at sa gano’n ay gumanda ang signal ng ating mobile services,” ang pahayag ni Caintic.

Idinagdag pa nito na may ilang foreign companies ang nagpakita ng interest sa 100% ng telcos sa Pilipinas dahil na rin sa mayroong merkado ang bansa at mayroong 25 milyong households ang nananatiling walang internet connection.

Sinabi pa rin niya na sa pagkakaroon ng mayroon ng “better internet connection”, mas pipiliin ng mga empleyado na ipagpatuloy ang kanilang trabaho sa kanilang bahay habang ang mga estudyante naman sa lahat ng bahagi ng bansa ay may access sa kahalintulad na educational materials.

At sa tanong kung paano titiyakin ng DICT ang kaligtasan at seguridad ng mga filipino sa bagong batas, sinabi ni Caintic na nakikita niya ang pagpapasa SIM Card Registration bill bilang isa sa mga solusyon.

“Isa sa ating minamadali bago matapos ang termino ni Presidente Duterte ang ‘yung tinatawag nating SIM Registration Bill. Malaking bagay ito tulad ng mga 150 other countries, meron na silang SIM Registration Bill, kung saan mababawasan natin itong mga hacking at phishing sa pamamagitan ng maayos at safe na pag-register ng mga SIM cards para malaman natin at matukoy natin kaagad kung sino ang mga tao o mga grupo na gumagawa ng kalokohan at kriminal na aktibidad,” dagdag na pahayag nito.

Buwan ng Pebrero, niratipikahan ng Senado at Kongreso ang bicameral conference committee report ukol sa batas na nagre-require sa registration ng mobile phone subscriber identity module cards o SIMs.

Ang batas ay may mandato sa lahat ng public telecommunications entities (PTEs) na i- require ang registration ng SIM cards bilang prerequisite sa kanilang “sale and activation.”

Sinasabi rin na ang lahat ng social media networks ay dapat na i- require ang tunay na pangalan at phone number ng users sa paggawa ng kanilang accounts. Kris Jose