100% implementasyon ng F2F classes suportado ng DOH

100% implementasyon ng F2F classes suportado ng DOH

July 9, 2022 @ 9:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpahayag ng suporta ang Department of Health (DOH) sa panukalang ipatupad ang buong pagpapatuloy ng face-to-face classes.

“The Department of Health fully supports the opening of classes, (its) full implementation—we fully support that,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire .

Sinabi rin ni Vergeire na maging ang mga eksperto ay nagbigay ng kanilang rekomendasyon na buksan na ang edukasyon para sa kabataan.

Kamakailan ay sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tinitingnan ng gobyerno ang buong pagpapatupad ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Dahil dito, sinabi ni Vergeire na dapat sundin ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards para mapanatiling ligtas ang mga bata laban sa COVID-19.

Partikular aniya na dapat tiyakin ng mga paaralan na maayos na isusuot ng mga estudyante ang kanilang mga face mask.

“We just need to make sure that there is a safe environment for our children,” ani Vergeire.

“We will be implementing minimum public health standards in all classrooms,” dagdag niya.

Ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay hindi kinakailangan ngunit ito ay lubos na hinihikayat, ani Vergeire.

“We strongly encourage ang ating mga magulang to consider na mabakunahan ang ating mga kabataan para mas protektado sila,” sabi pa ng opisyal ng Kagawaran.

Ayon kay Vergeire, maglalagay ng mga bakunahan sa mga eskuwelahan para mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. Jocelyn Tabangcura-Domenden