100 indibidwal stranded sa Manila port

100 indibidwal stranded sa Manila port

March 25, 2021 @ 5:22 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Stranded sa Manila North Harbor ang higit 100 indibidwal na gustong makauwi ng kani-kanilang mga probinsya.

Ayon sa ilang pasahero na Marso 21 pa sila nakabili ng ticket pero ang byahe nila ay Marso 25.

Marso 22 nang simulang ipatupad ang mas mahigpit na general community quarantine o pagpapaloob sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, Rizal sa isang bubble kung saan bawal lumabas ang mga nasa loob nito sa ibang lugar maliban na lamang kung essential travel.

Tatagal ang NCR plus bubble hanggang Abril 4.

 

Ayon sa kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago na hindi naman sila pinipigilang umuwi pero may ilan sa mga ito ang kulang sa dokumento o travel requirements na hinihingi ng mga lugar na kanilang uuwian.

Ang ibang lugar din tulad ng Region 6 ay nagpatupad na moratorium na pansamantala muna silang hindi tatanggap ng mga uuwing residente. RNT


  •  
  •  
  •