100 kawani ng DAR sapul ng COVID

100 kawani ng DAR sapul ng COVID

January 12, 2022 @ 6:30 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Aabot sa mahigit 100 kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang umano’y nagpositibo sa COVID-19 kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso sa Metro Manila.

Nauna rito magugunitang nitong nakalipas na 2020 pansamantalang sinuspindi ang operasyon ng DAR Central Office sa Quezon City makaraan umanong mapag-alaman na isa sa opisyal nito ay nagpositibo sa Coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Samantala, tiniyak naman ni DAR Secretary Bernie Cruz na sakabila ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 ay tuloy pa rin ang serbisyo ng ahensya para pagsilbihan ang mga magsasaka na kanilang pinagsisilbihan.

Bunsod ng pagsirit ng kaso ng COVID sa ahensya, sinabi ni Cruz na hihilingin niya sa Malakayang ang pagpapatupad ng skeletal workforce na 30 porsyento ng empleyado na papasok lang sa opisina.

“Patuloy ang serbisyo ng DAR sa ating mga kapatid na magsasaka habang ipinatutupad ang health protocol” ani pa ni Cruz.  Santi Celario