$100 million plano para sa cable car papunta sa Hollywood sign, inanunsiyo ng Warner Bros.

$100 million plano para sa cable car papunta sa Hollywood sign, inanunsiyo ng Warner Bros.

July 11, 2018 @ 1:59 PM 4 years ago


 

Nag-anunsyo ang Warner Bros ng kanilang planong pagtatayo ng cable car para dalhin ang mga turista sa isang studio lot sa iconic Hollywood sign na nagkakahalaga ng $100 million.

Sinabi ng kompanya, isa sa Tinseltown’s “Big Six” film distributors, sa mga city official noong Lunes na popondohan nila ang isasagawang “Hollywood Skyway.”

Ang six-minute ride ay palalawakin ng mahigit sa 1.6 kilometers mula sa base ng Warner sa  Burbank sa tuktok ng Mount Lee papunta sa isang visitor center malapit sa sign na mayroong daanan papunta sa viewing area, ayon pa sa Los Angeles Times.

Ang iconic studio sa likod “Casablanca” at “Gone with the Wind” ay hindi naman sumagot sa request ng AFP para sa komento ngunit nagpaikot naman ng statement na nagsasabing ang proyekto ay “reduce street congestion, improve safety, and ease neighborhood frustrations.”

“Given our close proximity to the north side of the Hollywood sign, we believe we offer a solution that has the least impact on the environment – protecting and preserving (nearby) Griffith Park – and the surrounding residential neighborhoods,” sabi pa ng kompanya.

Matagal nang pinag-usapan ang ideyang nabanggit at binuhay lamang ni Mayor Eric Garcetti noong 2017, na mayroong proposal kasama ang kalapit na Universal Studios.

Inaasahang matapos ang proyekto sa loob ng limang taon kasama na ang mga approval process kung ito ay maaprubahan.

Itinayo ang sikat na landmark noong 1923 bilang “Hollywoodland” upang i-advertise ang local real estate development.

Sumailalim din ito sa madaming pagbabago sa mga nakalipas na taon kabilang na noong 1987 nang pinalitan ito ng pranksters bilang “Holywood” upang markahan ang pagbisita ni Pope John Paul II.

Matatandaan na noong nakaraang taon, inaresto ng mga pulis ang isang local artist na pinagsususpetyahang nasa likod ng New Year’s Day prank na pinagmukang “Hollyweed”  ang iconic sign. (Remate News Team)