100% ng mga balota para sa botanteng Pinoy sa NY ilalabas sa Sabado – Cato

100% ng mga balota para sa botanteng Pinoy sa NY ilalabas sa Sabado – Cato

April 23, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng  Philippine consul-general nitong Sabado na asahan ng mga Pilipinong botante sa New York at kalapit-estado na ilalabas ang kanilang balota sa Sabado ng umaga (US time).

“By (Saturday) morning, 100 percent sa mga balota ay nailabas na natin,” ani Consul-General Elmer Cato ng Philippine consulate sa New York.

Aniya, nagtrabaho ang kanyang mga tauhan kahit Mahal na Araw upang bumawi sa pagka-delay sa pagpapadala ng election pockets. 

“Dahil sa puyat at pagod, humina ang katawan ng mga consulado. As of now, kalahati sa amin ay either COVID positive or exposed to those who were positive,” sabi ni Cato.

Inalis rin niya ang pangamba sa mga ulat ukol sa pre-shaded ballots na ipinadadala sa mga botante, at binigyan-diin ang maayos na sistema ng kanyang opisina upanhg masiguro na hindi magagalaw ang mga balota.

“Since dumating ’yan ’yung prosesong ginagawa natin we have to check the contents of the envelope, make sure na walang pre-shaded. Kasi may nagsasabi may pre-shaded ballots daw. Chine-check namin ’yan … Wala naman tayong nakita,” ani Cato.

Ayon kay Ricarte Abejuela, chairman ng special board of election inspectors sa New York consulate, nasa 39,048 ang rehistradong botante sa US northeast coast. RNT/SA