100% ng target population sa NCR bakunado na- Abalos

100% ng target population sa NCR bakunado na- Abalos

December 9, 2021 @ 5:24 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nabakunahan na laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang 100 porsyentong target population sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos Jr. na ang rehiyon ay mayroong eligible population na 9.8 milyon.

“100% na ang Metro Manila sa bakuna. Talagang natapos natin ito,” ayon kay Abalos sa kanyang naging talumpati sa Bayanihan, Bakunahan event.

Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na 23 highly urbanized cities, karamihan ay nasa NCR, ay fully vaccinated ang 70% o mahigit pa sa target population.

Ipinagmalaki pa ni Abalos na kontrolado na ang pagkalat ng Delta variant.

“At hindi lang ‘yun, ‘yung surge ng Delta sa ibang lugar, nawalan ng oxygen tanks, napuno, hindi naman natin ito na-experience sa Pilipinas,” aniya.

“If there’s one thing na ipagmamalaki ko, even right now, you compare the peak to peak, ‘yung peak natin at peak nila during Delta malayo. Magaling talaga ang ginawa ng team na ito,” dagdag na pahayag ni Abalos. Kris Jose