100% pamumuhunan ng dayuhan sa Pinas, isinabatas

100% pamumuhunan ng dayuhan sa Pinas, isinabatas

March 4, 2022 @ 4:42 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Tinintahan ni Pangulong Rodrigo  Duterte ang batas na naglalayong palakasin pa ang “productive investments” sa mga dayuhang mamumuhunan at iba pang bansa na makatutulong para palakasin ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang Republic Act No. 11647, sinusugan ang RA 7042 o ang Foreign Investments Act of 1991, “is seen improving technology transfer, raising foreign exchange from exports and leading to higher tax revenues.”

Ang nasabing amendment ang nagtatag rin ng Inter-agency Investment Promotion Coordination Committee (IIPCC) na pinamumunuan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Nakasaad sa batas, inaprubahan araw ng Miyerkules, “that the body will promote and facilitate efforts to encourage foreign investments.”

Inatasan naman ang IIPCC na gumawa ng estratehiya o kampanya na magpo-promote sa bansa bilang isang “desirable investment area.”

“Foreigners, “without need of prior approval,” can now also invest in a domestic enterprise up to 100 percent of its capital “unless participation of non-Philippine nationals… is prohibited or limited to a smaller percentage” by existing laws. Foreigners may also own small and medium-sized enterprises with a minimum paid-up capital of less than $100,000 if majority of their direct employees are Filipinos. The number of Filipino employees should not also be less than 15,” ayon sa batas.

“The Securities and Exchange Commission (SEC) or DTI… shall not impose any limitations on the extent of foreign ownership in an enterprise additional to those provided by this Act,” mababasa pa rin sa batas.

Tinukoy sa batas na ang dayuhan na makakasama sa umiiral na joint venture, kung saan siya o ang kanyang majority shareholder ay isang substantial partner, ay marapat lamang na ibunyag ang mga pangalan at addresses ng kanilang partners sa panahon ng kanilang pagpapa-rehistro sa SEC.

“Foreign investments in export enterprises are also now allowed up to a hundred percent,” ayon sa amendment.

“Export businesses though should register and comply with the National Internal Revenue Code for the purpose of availing any tax benefits or incentives,” ang nakasaad pa rin sa batas.

Samantala, sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, nanawagan ang Punong Ehekutibo sa Kongreso na magpasa ng tatlong priority bills na naglalayong manghikayat at makaakit ng mas marami pang foreign investments sa bansa.

Ang mga ito ay ang Foreign Investments Act, Public Service Act, at ang Retail Trade and Liberalization Act. Kris Jose