1,000 pulis, sangkot sa droga-PNP

1,000 pulis, sangkot sa droga-PNP

August 2, 2018 @ 2:46 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Umaabot sa 1,000 bilang ng aktibong mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot sa iligal na droga.

Ito ngayon ang dahilan kaya mas pinaigting pa ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang kanilang pagmo-monitor laban sa mga ito dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade o di kaya ay pagiging protektor ng mga sindikato ng droga.

May ginagawa na aniyang hakbang ang pamunuan ng PNP para matukoy ang mga pulis.

Sa pinakahuling datos ng PNP Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) mula noong February 3, 2017 hanggang July 31, 2018 ay umabot na sa 87 mga tiwaling pulis ang kanilang naaresto.

Ayon naman sa PNP Internal Affairs Service nasa 69 na police personnel ang nasampahan na ng kasong administratibo ng CITF at 56 ang nasibak sa serbisyo. (Jeff Gallos)