1,000 Taguig health workers naturukan ng COVID-19 booster shots

1,000 Taguig health workers naturukan ng COVID-19 booster shots

November 18, 2021 @ 10:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nasa 1,000 medical workers sa Taguig City ang agad na naturukan ng COVID-19 booster shot sap ag-arangkada nitong Miyerkoles, Nobyembre 17, ayon sa isang city health official.

Ginanap ang bakunahan sa SM Aura Vaccination Hub.

Sinabi ni Taguig City Head of Immunization, Dr. Jennifer Lou De Guzman, nakatanggap ng Pfizer booster shots ang mga medical workers mula Taguig City Health Office at Taguig-Pateros District Hospital.

“When we talk about essential, maaaring hindi ito health-based. Mayroon tayong mga public safety officers na hindi sila doktor, wala sila sa medical field pero sila ay kaagapay namin sa ating mga vaccination hubs,” ani De Guzman sa reporters.

“Isa po sila sa babakunahan din po natin. Hindi po ito nangangahulugan na lahat lang ng doktor, dentista, nurses, midwife ang babakunahan. When we talk about essential frontliners, health workers, ito po ‘yung mga kaagapay namin na may exposure lalo na sa pangangalaga ng COVID,” dagdag pa niya.

Sinabi pa niya na target ng Taguig local government na makapagbakuna ng aabot sa 20,000 health workers. RNT