10,000 empleyado sinibak ng Meta

10,000 empleyado sinibak ng Meta

March 15, 2023 @ 11:08 AM 2 weeks ago


WASHINGTON, United States – Sibak sa trabaho ang nasa 10,000 empleyado ng Meta na siyang nagmamay-ari ng Social Media giant na Facebook.

Tinawag naman ni Mark Zuckerberg ang nasabing hakbang bilang “year of efficiency” kasabay ng downsizing sa US tech sector.

Sa isang email sa mga empleyado, sinabi ni Zuckerberg na ang Meta ay magtatanggal ng 10,000 trabaho sa susunod na ilang buwan, at ang 5,000 iba pang mga tungkulin ay mananatiling hindi na pupunan.

Nauna nang nag-alis ng nasa 11,000 trabaho ang Meta noong Nobyermbre. RNT