100,000 MT sibuyas, nasayang noong 2022

100,000 MT sibuyas, nasayang noong 2022

February 1, 2023 @ 8:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinatayang umabot sa 100,000 metriko tonelada ng sibuyas ang nasayang noong 2022.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), 35% ang nasayang na sibuyas matapos na maani  bunsod ng kakulangan sa pasilidad gaya ng “cold storages at improper handling.”

May kabuuang  283,172 MT ng pula at dilaw na sibuyas at shallots ang naani mula sa  mahigit na 30,000 ektarya ng production area.

Ayon sa DA, ang monthly requirement na nakapaskil ay 21,679 MT.

Ang mga pigura ay ipinaskil sa gitna ng supply constraint issues na tumutugis sa kalakal,  dahilan upang ang presyo nito ay sumirit ng ilang daang piso kada kilo noong Disyembre.

Sinabi pa ng Agriculture Department na ang iba pang dahilan na nakaapekto sa presyo at suplay ng kalakal ay ang pagtaas sa presyo ng production inputs, kabilang na ang “fertilizers and seed; low level of mechanization and high labor cost; expensive marketing and distribution scheme; limited access to credit facilities; and inconsistencies in information.”

Upang tugunan ang mga usapin sa industriya ng sibuyas, sinabi ng  DA na nakatakda itong maglunsad ng  Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network (ORION) Program.

Layon ng ORION program na suportahan ang local onion industry at maging ang pagtaas ng produksyon at kita ng onion stakeholders sa bansa.

Sinabi pa ng DA  na “ORION seeks to promote a competitive, resilient, and profitable onion industry providing high quality, safe, affordable, and sustainable supply of onion to meet increasing domestic demand.”

“During its implementation, it will improve the productivity and efficiency of onion plantations through Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) certification, reduce pre and post-harvest losses, improve product distribution and logistics, and ensure sustainable supply in the local market,” ayon sa departamento.

Kabilang sa mga estratehiya at programa na  isasagawa ay ang pagbibigay ng “easy access credit loans,” na maaaring gamitin para sa pagbili ng “equipment” at pagtatayo  ng mga pasilidad.

Ioorganisa rin ang farmer clusters at asosasyon para sa  “production at market integration.”

Sa ilalim pa rin ng ORION, “innovative farming technologies will be pushed as well as value-adding processes to maximize production and income.”

Pangungunahan di ng DA  ang regulatory activities, at isusulong para sa paglikha ng national information data base para matiyak ang “updated at relevant data” hinggil sa “production at marketing.”

Tinuran pa ng departmento na ipagpapatuloy nito ang pinaigting na distribution scheme para sa “production at marketing support,” para mahayaan ang sektor na lumago at kumita. Kris Jose