100,000 opisyal ng China nag-emergency meeting kontra COVID-19

100,000 opisyal ng China nag-emergency meeting kontra COVID-19

May 26, 2022 @ 6:03 PM 1 month ago


SHANGHAI – Nagdaos ang pamahalaang China ng malawakang miting ng mga opisyal na dinaluhan ng nasa 100,000 kaugnay sa giyera na nasabing bansa sa coronavirus disease-19.

Isinagawa ang miting sa video teleconference ng State Council at nanguna rito si Premier Li Kequiang, kasama ang iba pang matataas na opisyal, opisyal ng mga lalawigan, lungsod at iba pa.

Diniinan ni Kequiang ang pagsusulong ng empleyo at pagbabawas ng kawalang -trabaho.

Sa tantiya ng pamahalaan, naging mas mabigat ang kalagayan ng bansang China nang ilagay nito sa istriktong lockdown ang Shanghai at iba pang mayayamang lugar sa nakaraang Mars-Abril kumpara sa naganap na lockdown noong sumabog ang COVID-19 noong 2020.

Sa huling pangyayari, nagkaroon umano ng grabeng kawalan ng trabaho ng milyon-milyong katao dahil sa hindi nilang paglabas sa bahay, pagbagal ng produksyon sa lahat ng kalakal at paghinto ng mga transportasyon.

Inilabas na rin sa miting ang nasa 33 programa upang makabawi ang ekonomiya ng China, kasama na ang emergency loan para sa transportasyong panghimpapawid, pautang sa mga maliliit na negosyante at refund ng buwis sa mga mamamayan at kompanya.

Inatasan na rin ang lahat ng mga opisyal na isagawa ito habang may mga nilikha ring grupo ng mga awtoridad na susubaybay at magtitiyak na maisakatuparan ang lahat ng programa. RNT