July 23, 2018 @ 6:55 PM 5 years ago


OPINYON AT KOMENTO NI JUAN DELA CRUZ

Bigyan natin ng daan na mai­lathala ang opinyon  at komento ng isa na namang suki natin sa espasyong ito. Ang ano­mang nakasulat dito ay opinyon at komento niya ito na bi­nibigyan lamang natin ng pag­kakataon na mailathala.

Basahin natin.

Good am, Sir Johnny. Opi­nion ko na may “Diyos” namang  kinikilala sa kanyang  sarili si Pang. Rodrigo Duterte. He would not have become Pre­sident if he has no faith in “GOD.” Siguro nasambit lang niya ang bad word sa galit!

Nabuwisit lang siya sa rami ng problema ng bansa pag­katapos ay binabatikos pa siya ng mga nagmamagaling na  Human Rights group at mga kritiko niya!

Sandamakmak ba naman ang problema ng bansa na iniwan ni dating Pang. Noynoy Aquino. Nandiyan ‘yung  DAP at PDAF na walang nangyayari kundi korapsyon at ang pera ng bayan ay naubos sa walang kakwenta-kwentang  patakaran ni AQUINO.

Maging ang mga  gamot sa DENGVAXIA basta na lang minadali para makakuha ng “ganansya o makakupit” at ang mga droga at druglords naman ay mas lalong dumami. Mabuti na lang at nakulong na si Sen. Leila De Lima.

Si dating Supreme Court Justice Ma. Lourdes naman ay natsugi na. Mabuti na lang at tinanggap na niya ang kanyang pagkatalo. Okey siya sa pagka-senador.

Ito namang si JOMA SISON, isa pa itong gunggong na rebelde. Dapat ay sumurender na lang siya  at huwag magtago. Ituloy na lang ang “Peace Talk” para wala nang gulo at patayan ng Filipino sa Filipino.

 

BOOKIES GAGAMITIN SA PONDO PARA SA ELEKSYON

 

Namamayagpag pa rin ang bookies ng Small Town Lottery (STL) ni Jun Alad alias Rolly Dizon sa kabila ng puspusan ang ginagawang kampanya ng Philippine Charity Sweep-stakes Office (PCSO) laban sa mga bookies na patuloy pa rin nag-ooperate sa Laguna.

Kabilang sa mga bayan sa  Laguna ang napasok ng boo­kies ng STL na si alias Rolly Dizon ay ang Calauan, Victoria, San Pedro, Los Banos, Pila at Bae. Nakapagtatakang hindi hinuhuli ni Laguna PD Supt. John Kirby KRAFT.

Hindi ko lang alam kung gaano katotoo ang balita na si alias Rolly Dizon ang isa sa mga magiging financier sa utol umano ni PD na tatakbong ma­yor sa Calauan City sa darataing na 2019 election.

Kaya hindi niya mapahuli at mapasarado ang bookies nito kahit iligal.

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa juande­[email protected] o juande­[email protected]. – JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA