$100B climate change finance commitment sa developing countries, napag-usapan sa UN conference

$100B climate change finance commitment sa developing countries, napag-usapan sa UN conference

October 14, 2022 @ 11:06 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naging matagumpay ang ginawang pang-gigiit ng Pilipinas sa United Nations para makatanggap ang mga developing countries ng tinatawag na climate finance.

Sinabi ni Philippine Representative ng Climate Change Commission Vice Chair and Executive Director Robert E.A. Borje, naging paksa kasi sa 27th Session of Conference of the Parties ang patungkol sa climate finance partikular na ang 100 billion US dollar na financial commitment para sa mga developing countries gaya ng Pilipinas na lubhang apektado ng climate change.

Wika pa ni Borje, ang $100 billion dollar commitment ay manggagaling sa kontribusyon mula sa mga mayayamang estado bilang finance obligation at suporta sa mga at-risk developing nations.

Ang nasabing hakbang ay nasa ilalim ng Paris Agreement at bahagi ng target na makakuha ng mas mataas na climate finance sa pamamagitan ng New Collective Quantified Goal of the Glasgow Climate Pact.

Nauna nang iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat magbayad Ang mayayamang bansa ng danyos dahil sa ambag nito hinggil sa lumalalang climate change.

Ito naman ay sinegundahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kung saan ay sinabi nito sa nakaraang United Nations General Assembly na dapat tuparin ng industrialized countries ang kanilang obligasyon na may kinalaman sa climate financing. Kris Jose