100K indibidwal nakiisa sa BBM ‘Unity Ride’ sa Ilocos

100K indibidwal nakiisa sa BBM ‘Unity Ride’ sa Ilocos

November 22, 2021 @ 7:24 AM 6 days ago


LAOAG CITY – Umabot sa 100,000 motorcycle riders na nakasuot ng pulang damit ang bumaha sa Manila North Road sa norteng bahagi ng Luzon na nagpapakita ng pwersa at pagsuporta kay presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM).

Ang nasabing unity ride na tumagal ng pitong oras ay inorganisa ng iba’t ibang riding groups.

Nagsimula ito sa bayan ng Paoay bandang 5:10 a.m. at binagtas ang mga bayan ng Currimao, Batac, San Nicolas, Sarrat at Laoag City.

Sinabi ni Ryan Remigio ng Team BBM Filipinas, higit 100,000 indibdiwal ang nagrehistro sa nasabing aktibidad.

Ang kaparehong Unity Ride ay isinagawa rin sa Bataan, Cavite, Abra, at La Union.

“The event went smoothly and it did not cause too much traffic because they have designated several pit stops,” sinabi naman ni Maj. Eddie Puyat, police chief ng bayan ng Paoay.

Dagdag pa ng hepe na naglatag sila ng masinsinang traffic management plan at inalerto ang lahat ng police units para masiguro ang maayos na daloy ng trapiko. RNT