100K Pinoy abroad kailangang mapauwi – DOLE

100K Pinoy abroad kailangang mapauwi – DOLE

October 18, 2020 @ 3:28 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mahigit sa 100,000 pang overseas Filipino workers ang kailangang ma-repatriate mula sa iba’t ibang bansa na nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, tuloy-tuloy ang ginagawang repatriation ng gobyerno sa OFWs na nais nang umuwi sa bansa.

Sinabi ng kalihim na ang naturang bilang ay maaari pa aniyang madagdagan depende sa sitwasyon ng mga kababayan sa ibang bansa.

Dagdag pa ng kalihim na lahat ng mga na-repatriate na OFWs ay mabibigyan ng one time financial assistance na $200 o katumbas ng 10 libong piso upang mayroon silang pangtustos o panimulang pangkabuhayan.

Mayroon ding inihahanda ang DOLE na livelihood assistance para naman sa OFWs na nanaisin na lamang na manatili sa bansa upang makasama ang kani-kanilang pamilya.

Nabatid na umaabot sa 1,500 hangang 3,000 kada araw ang napapauwing OFWs  sa nagpapatuloy na mass repatriation ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...