100K slot sa TNVS pinabubuksan ng LTFRB

100K slot sa TNVS pinabubuksan ng LTFRB

February 19, 2023 @ 1:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas sa distribusyon ng nasa 100,000 slot para sa transport network vehicle service (TNVS) applications sa buong bansa.

“The board will issue a memorandum circular detailing the distribution,” ani Engr. Riza Paches ng LTFRB.

“But right now, the board through its divisions under the LTFRB are considering how this is going to be rolled out operationally,” dagdag pa niya.

Ayon kay Paches, ang pagbubukas ng karagdagang slot sa TNVS ay hindi lamang makapagbibigay ng dagdag na trabaho kundi solusyon din sa problema sa pampublikong transportasyon.

“The bottom line as expressed by the chair, is basically trying to help in the generation of jobs, and also addressing lack of public transportation, particularly the ones that are connected to specific points like airports and other business-intensive areas in the country,” aniya.

Sa naunang pahayag, sinabi ng LTFRB na nagbukas ito ng slot para sa mga motorsiklo at four-wheeled motor vehicles.

Sinabi rin ni Paches na tinitingnan na ng ahensya ang pamamaraan kung paaano mapapasimple pa ang proseso sa aplikasyon.

“Currently, we have done a regulatory impact assessment of the policies that we have instituted in the past. Actually, we are in the process of updating our internal rules of procedure, particularly after the pandemic because the public transportation landscape has really changed; other than the demand, the behavior of our riders, and actually the preference of the commuters has also changed,” sinabi pa niya.

“So, these are the adjustments being made with the current board in the LTFRB right now,” pagtatapos nito. RNT/JGC