100K TNVS slot para sa lahat – LTFRB

100K TNVS slot para sa lahat – LTFRB

February 16, 2023 @ 5:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Land Transportation FRanchising and Regulatory Board (LTFRB) na para sa lahat ng players ang binuksang 100,000 Transportation Network Vehicle Servces (TNVS) slot.

Ani LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na hindi ibibigay sa Grab ang buong 100,000 slots ng TNVS kundi ito ay bukas sa lahat na, ang karamihan nito ay para sa mga motorsiklo at 4 wheel motor vehicles.

Sinabi pa ni Guadiz na magsasagawa muna sila ng public hearings sa iba’t ibang stakeholders at bubusisiin ito ng husto sa tulong ng Department of Transportation (Dotr) upang makapagpalabas ng kukulang policy guidelines para dito.

Ayon kay Guadiz, kinokonsedera ang lahat ng factors sa pagkakaloob ng slots na ikakalat sa mga rehiyon lalo na sa Visayas at Mindanao na magseserbisyo ng maayos sa mga commuter doon.

Binigyang diin nito na ang pagbubukas ng franchise slots ay may malaking tulong para magkaroon ng malaking opurtunidad ang mas maraming mamamayan bukod sa pagpapahusay ng serbisyo ng transportasyon sa bansa.

Ang paglilinaw ay ginawa ng LTFRB nang mapabalitang ang 100K slots ng TNVS ay ibibigay lamang lahat sa Grab. RNT