100K trabaho alok sa Japan

100K trabaho alok sa Japan

February 26, 2023 @ 8:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magbubukas ang Japan ng nasa 100,000 trabaho ngayong taon para sa mga Filipino.

Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, ang mga trabahong ito ay may kinalaman sa health care, outsourcing, tourism at information technology.

Idinagdag ni Koshikawa na mas gusto ng Japanese employers ang mga Filipino dahil sa kasipagan ng mga ito at dedikasyon sa trabaho.

Ayon naman sa ulat, mataas ang pasahod sa Japan kasabay ng pagbibigay nito ng magandang working environment. RNT/JGC