100M obrero, nalugmok sa kahirapan sa pandemya – UN

100M obrero, nalugmok sa kahirapan sa pandemya – UN

June 3, 2021 @ 12:40 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nalugmok pa sa kahirapan ang 100 milyong obrero bunsod ng COVID-19 pandemic, ayon sa United Nations.

Ibinabala rin ng UN na ang nararansang labor market crisis ay malayo pa bago matapos, base sa International Labour Organization ng UN sa isang ulat.

Saad sa report, hindi pa makababangon ang employment sa dati nitong sitwasyon bago magkapandemya hanggang 2023 sa pinakamaaga nang panahon.

Nakasaad pa sa annual World Employment and Social Outlook report ng ILO, na kakapusin ng 75 million jobs ang buong mundo sa katapusan ng taon kumpara sa panahong walang pandemya.

Mas kaunti rin ito ng 23 milyong trabaho sa 2021.

COVID-19 “has not just been a public health crisis, it’s also been an employment and human crisis”, ani ILO chief Guy Ryder sa reporters.

“Without a deliberate effort to accelerate the creation of decent jobs, and support the most vulnerable members of society and the recovery of the hardest-hit economic sectors, the lingering effects of the pandemic could be with us for years in the form of lost human and economic potential, and higher poverty and inequality.”

Nakasaad din sa ulat na aabot sa 205 million indibidwal sa 2022 ang global unemployment. RNT