101 deboto nabigyan ng atensyong medikal ng PRC sa Walk of Faith

101 deboto nabigyan ng atensyong medikal ng PRC sa Walk of Faith

January 8, 2023 @ 1:39 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 101 ang mga deboto na nalapatan ng medical assistance ng Philippine Red Cross (PRC) medical personnel, volunteers, at first aid stations sa ginanap na Walk of Faith ng Nazareno 2023.

Ayon sa PRC, 21 deboto ang nagtamo ng minor injuries at nakatanggap ng first aid treatment habang ang isang deboto na nawalan ng malay ay dinala ng PRC ambulance sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center para sa karagdagang medical assessment.

Ang iba naman ay nakaranas ng chest pain, abdominal pain at iba pa.

“Patuloy ang pag-alalay ng ating mga volunteers, first aiders, at medical team sa mga deboto ng Nazareno. Bukas ang ating Emergency Medical Unit na magsisilbing ospital para sa mga debotong may minor o major injuries at mangangailangan ng medical assistance,” sabi ni PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon.

Ipinakalat ng PRC ang mga sumusunod na asset para pagsilbihan ang mga kalahok ng Pista ng Itim na Nazareno mula Enero 7 hanggang 9; tulad ng 15 ambulansya, 1 fire truck, 17 foot patroller, 280 volunteers, 2 medical doctors, at 5 medical teams.

Apat na first aid stations ang nakaposisyon sa (2) Quirino Grandstand, (1) Kartilya ng Katipunan, at (1) Minor Basilica of the Black Nazarene (MBBN).

Isang Emergency Medical Unit (EMU), na nilagyan ng 20 na higaan, mga minor medical equipment, devices at supplies, ang itinayo sa Kartilya ng Katipunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden