103 survivors sa nasunog na fast craft vessel sa Real, Quezon nakauwi na

103 survivors sa nasunog na fast craft vessel sa Real, Quezon nakauwi na

May 23, 2022 @ 6:08 PM 1 month ago


QUEZON PROVINCE – Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang nasa 103 pasaherong nakaligtas sa nasunog na MV Mercraft 2 sa karagatang sakop ng Real.

Ayon sa Philippine Coast Guard, patuloy namang ginagamot sa ospital ang 24 pa na nasugatan sa trahedya kabilang ang kapitan ng fast craft vessel.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang totoong sanhi ng insidente.

Una nang sinabi ng PCG na walang nangyaring oil spill sa bahagi ng karagatang pinangyarihan ng insidente.

Nahatak na ang nasunog na bangka patungo sa Baluti Island sa Barangay Cawayan, Real. RNT/ JCM