104 dating rebelde sa N. Samar swak sa TUPAD ng DOLE

104 dating rebelde sa N. Samar swak sa TUPAD ng DOLE

November 30, 2022 @ 1:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 104 na dating rebelde sa Lope de Vega, Northern Samar ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno para sa pakikilahok sa isang emergency employment program.

Aabot sa P924,000 cash ang napaghatiaan ng 264 na benepisyaryo, kabilang ang 104 New People’s Army (NPA) surrenderers sa Philippine Army at Philippine National Police units sa lalawigan.

Pinuri ni Philippine Army 43rd Infantry Battalion spokesperson 1st Lt. Benigno Lopez, Jr. ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang lokal na pamahalaan sa pagsali sa mga dating miyembro ng NPA sa programa.

“This is a way to make them productive as they start a new life after engaging in a senseless armed struggle. We want to forge partnership with more government agencies to help our former rebels,” ani Lopez sa isang interbyu.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng cash na nagkakahalaga ng PHP3,500 bilang kabayaran sa kanilang trabaho sa komunidad.

Ang tulong ay bahagi ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng DOLE, isang community-based package of assistance na nagbibigay ng emergency na trabaho para sa mga displaced worker, underemployed at seasonal na manggagawa, sa loob ng minimum na 10 araw, ngunit hindi lalampas sa maximum na 30 araw, depende sa uri ng trabahong isasagawa. RNT