105 bagong COVID case sa NCR bawat araw naitala mula Dec. 1 – OCTA

105 bagong COVID case sa NCR bawat araw naitala mula Dec. 1 – OCTA

December 8, 2021 @ 1:40 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Naitala lamang ang 105 bagong kaso ng COVID-19 araw-araw mula Disyembre 1 hanggang7 sa National Capital Region, batay sa independent monitoring group OCTA Research.

Naitala rin ng rehiyon ang reproduction number na 0.34 na mas mababa sa 0.35 reproduction number na naitala mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 5.

Samantala, nananatili naman ang average daily attack rate ng rehiyon sa 0.74 sa bawat 100,000.

Sa ngayon, kinlasipika ang NCR at 11 local governments na very low risk.

Nakapaloob dito ang Malabon, Navotas, Caloocan, Pateros, Valenzuela, Marikina, Manila, Parañaque, Pasay, Las Piñas, at Mandaluyong.

Samantala, nasa ‘low risk’ naman ang Muntinlupa, Makati, Quezon City, Pasig, Taguig, at San Juan. RNT/FGDC