106 lindol naitala sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras

106 lindol naitala sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras

June 13, 2022 @ 9:14 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon ng panibagong 106 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 na oras, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.

Sa bilang na ito, 48 ang volcanic tremors na tumagal ng 20 minuto, base sa bulletin ng seismic bureau.

Nagbuga din ang bulkan ng 4,627 tonelada ng sulfur dioxide noong Linggo.

Napansin ng PHIVOLCS ang napakalaking pagbuga ng mga abo na umabot ng hanggang 500 metro ang taas bago ito naanod sa kanluran hilagang-kanluran.

Nananatiling nasa Alert Level 1 (low-level unrest) ang bulkan dagdag pa ng ahensya.

Ibinabala pa rin ng Phivolcs ang posibleng biglaang steam-driven o phreatic eruptions.

Muling iginiit ng PHIVOLCS na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer permanent danger zone (PDZ). Gayundin, hindi pinapayagan ang pagpasok nang walang pagbabantay sa two-kilometer extended danger zone (EDZ).

Pinayuhan din ng PHIVOLCS ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa Bulusan Volcano.

Noong Linggo, nagkaroon muli ng phreatic eruption ang Bulusan Volcano bago madaling araw, na tumagal ng 18 minuto.

Ito ang pangalawang phreatic eruption ngayong buwan, kasunod ng nangyari noong Hunyo 5.

Noong Linggo, Hunyo 12, ang mga munisipalidad ng Juban, Casiguran, Irosin at Sorsogon ay naapektuhan ng ashfall mula sa Bulusan Volcano matapos ang phreatic eruption. RNT