1,083 dagdag-kaso; 14 pa tigok sa COVID

1,083 dagdag-kaso; 14 pa tigok sa COVID

November 29, 2022 @ 9:29 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kabuuang 4,034,658 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang makapagtala pa ng 1,083 na bagong impeksyon kahapon, Lunes.

Nasa 18,507 naman ang aktibong kaso habang ang pangkalahatang gumaling sa virus ay 3,951,543.

Umabot na rin sa 64,608 ang namatay sa COVID-19 matapos madagdagan ng 14 bagong nasawi.

Sa Metro Manila, may 452 na bagong kaso mula sa kabuuang bilang na 1,083.

Noong Biyernes iniulat ng DOH na 14 kaso ng Omicron subvariant BQ.1 ang na-detect sa pinakahuling genome sequencing run ng Philippine Genome Center.

Ayon sa DOH, bagong banta ngayon ito sa bansa lalo sa pagluwag ng booster uptake at mask mandates sa gitna ng holiday season.

Sa ngayon mahigit 20.9 milyon Filipinos ang nakatanggap na ng unang COVID-19 boosters. Ito ay mula sa 73.7 milyon na ganap na nabakunahan.

Una nang sinabi ni OCTA Research Group Dr.Guido David na tumaas ang positivity rate nitong nagdaang linggo sa Metro Manila.

Dahil dito, nagbabala ito na ang Metro Manila ay maaring makaranas ng bagong wave ng infections kapag nagpatuloy ang trend.

Ang BQ.1 ay sinasabing dulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 infection sa US,UK at ilang bahagi ng Europe. Jocelyn Tabangcura-Domenden