109 nasawi sa Bohol sa hagupit ni ‘Odette’- governor

109 nasawi sa Bohol sa hagupit ni ‘Odette’- governor

December 29, 2021 @ 5:20 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Bohol ng karagdagang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Odette na umabot na sa 109, base kay governor Arthur Yap nitong Miyerkules.

Nagmula sa Pres. Carlos P. Garcia ang bagong naiulat na nasawi, na ngayon ay nasa anim na.

Samantala, karamihan sa mga namatay ay mula sa ikalawang distrito ng Bohol, partikular a Talibon at Ubay na may tig-14 naiulat na nasawi.

Ani Yap, mas mababa ang death toll ng “Odette” kumpara sa mga namatay sa paghagupit ng bagyong Yolanda, kung saan lubhang napinsala ang Leyte at mga karatig-probinsya nito noong Nobyembre 2013 kung saan 6,300 indibidwal ang binawian ng buhay.

“Every death in any calamity is one death too many. But considering the size and the gravity, the severity, and the ferocity of this super typhoon, I think the numbers are basically low,” pahayag niya sa ANC.

“I feel like this number (Odette fatalities) could’ve been higher if we did not order forced evacuations and the mayors did not act early enough,” patuloy niya.

Batay sa bulletin na ipinost ni Yap sa Facebook nitong Miyerkules, na kinumpirma ng Department of Health at local government units (LGUs), lima pang indibidwal ang nawawala habang while 2,040 ang sugatan sa pagtama ng bagyo sa probinsya.

Nasa 61,997 indibidwal o 26,590 pamilya rin ang inilikas dahil sa bagyo. RNT/SA