109K indibidwal nabakunahan ng booster sa DOH vax drive

109K indibidwal nabakunahan ng booster sa DOH vax drive

September 30, 2022 @ 6:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 109,000 indibidwal ang nabakunahan ng COVID-19 booster sa ikinasang special national COVID-19 booster week ng Department of Health.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na target nilang mabakunahan sa special vaccination week ang nasa 1.9 milyon eligible population ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Vergeire na mabagal umano ang usad ng bakunahan ng COVID-19 booster.

“So ‘pag tinignan po natin sa first booster accomplishment na iyan really the uptake is very slow. ‘Pag tinignan natin lahat ng efforts ng local governments throughout this week lahat intensive,” aniya.

“Resources have been used in, lahat ng sectors na mobilized natin, we have these different settings that we are implementing but up until now the uptake is very slow,” dagdag pa nito.

Bago rito ay sinabi na rin ng DOH na pinalawig nito hanggang bukas, Oktubre 1 ang PinasLakas special vaccination week upang bawiin ang nawalang araw dahil sa postponement dulot ng bagyong Karding. RNT/JGC