10K passport appointments araw-araw – DFA

10K passport appointments araw-araw – DFA

October 11, 2018 @ 3:26 PM 4 years ago


 

Good news!

Magiging available na araw-araw ang pagkuha ng appointment sa aplikasyon para sa mga nagnanais magkaroon ng passport.

Ito ang inihayag ng pumunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsabing aabot sa 10,000 passport appointment ang kanilang ipagkakaloob sa araw araw.

Ayon sa DFA, araw-araw silang magbubukas ng slots para sa mga nais magpa-schedule ng appointment sa pagkuha o pag-renew ng passport.

Base sa abiso ng DFA, nasa 5,000 online appointments tuwing alas-12:00 ng tanghali at 5,000 ulit tuwing alas 9:00 ng gabi ang magiging available sa publiko.

Payo ng DFA sa publiko, kailangan lamang na i-refresh ang kanilang pahina para makakuha ng appointment. Beth Dominguez