10M P1,000 polymer banknotes, nasa sirkulasyon na – BSP

10M P1,000 polymer banknotes, nasa sirkulasyon na – BSP

April 26, 2022 @ 6:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 10 milyon piraso ng bagong P1,000 polymer banknotes na ginawa pa sa Australia.

Ayon sa BSP, ang inilabas na salapi ay 0.7% ng tinatayang pinagsamang bilang ng P1,000 perang papel at polymer banknotes na nasa sirkulasyon na.

Pagsapit ng 2023, kabuuang 500 milyong piraso ng polymer banknotes na ang inaasahang nasa sirkulasyon kasama ang P1,000 paper banknotes.

Disyembre nang inilabas ng BSP ang bagong disensyo ng P1,000 polymer note.

“BSP Governor Benjamin E. Diokno has repeatedly stated that there will be no demonetization of currently circulating banknotes and coins during his term,” saad ng BSP.

Samantala, una nang nagpaalala ang central bank na “not for sale” ang bagong P1,000 banknotes at hindi ito maaaring ipagbili sa ibang halaga. RNT/ JCM