11-anyos, Enero pa nabakunahan vs COVID; DOH mag-iimbestiga

11-anyos, Enero pa nabakunahan vs COVID; DOH mag-iimbestiga

February 10, 2022 @ 12:19 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Isang 11-anyos na batang babae ang nabakunahan kontra sa COVID-19 noon pang Enero, sa kabila ng pagsisimula ng pediatric vaccination para sa edad lima hanggang 11 nitong Pebrero 7 lang.

Nadiskubre na lang ang insidente nang bumalik ang mag-ina para sana sa ikalawang dosage ng bakuna sa bata.

Sa vaccination card ng bata nakalagay doon na naturukan ito ng first dose noon pang Enero 10, 2022.

Nakasaad na July 2010 ang birthday ng bata kaya 11-taong-gulang pa lang siya, na pasok sa kasalukuyang vaccination rollout sa mga edad lima-hanggang 11.

Matatandaan na ngayong Pebrero 7 lang nang ikasa ang pediatric vacciantion  sa edad lima hanggang 11. Ang ginagamit na doses naman ng COVID jabs ay magkaiba sa nasa hustong gulang na indibdiwal at sa mga bata.

Sinabi naman ng Department of Health–National Capital Region (DOH-NCR) na iniimbestigahan nila ang insidente.

“The child will be monitored for possible side effects, but I do not foresee any problem. The dose is for an adult and if the child is big enough… (she) should be able to handle that,” giit naman ni Dr. Nina Gloriani, vaccine expert panel chief.

“Pfizer vaccine was studied across low, medium, and high dose de-escalation studies where they found similar immune response and efficacy between the ages 5 to 11 and 12 to 17, even compared to those above 18. But it is something that vaccinators should be very conscious of when administering the doses,” dagdag pa niya. RNT