11-anyos na bata sa Maynila naturukan ng Pfizer na pang-adult

11-anyos na bata sa Maynila naturukan ng Pfizer na pang-adult

February 10, 2022 @ 4:38 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Binabantayan na ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang health status ng 11-anyos na bata sa Maynila na naturukan na ng Pfizer vaccine na nakalaan para sa mga nakatatanda.

“Minomonitor po yung bata na ito and yung incident na ito. We are getting updates kung anong nangyayari or ano nang ginagawa ng ating implementers on the ground regarding this incident,” ani NVOC Co-Lead Dr. Dr. Kezia Rosario sa public briefing.

Nagpaalala naman si Rosario sa vaccination sites na maging maingat sa pagtuturok ng mga bakuna.

“Kailangan mag ingat sa pagbibigay ng mga bakuna kasi iba nga yung formulation ng 12-years-old and above compared doon sa 5 to 11-years-old na formulation.”

Kasabay nito ay hinikayat pa rin ng NVOC ang mga magulang na paturukan ang kanilang anak.

“Sinabi ng ating mga eksperto na ang mga bakunang ito na binibigay natin ay really safe and effective po and hindi tayo dapat mabahala sa mga side effects.”

“Hindi natin kinakait na may mga mild side effects na pwedeng mangyari sa bata as any other drug or vaccine. Pero ang alam natin na ang bakunang ito ay really safe for our children po,” dagdga pa nito. RNT/FGDC