India – Napag-alaman na pitong buwan ni-rape ng 17 lalaki ang isang 11-year-old na dalagita sa Chennai, India.
Pawang mga trabahador ng tinitirhang apartment ng dalaga ang mga suspek.
Sa korte, inamin ng apat dito ang kanilang ginawa kung saan pinaiinom nila ng softdrinks na may droga ang biktima.
Kapag nasiguro nilang wala na ito sa katinuan ay kinukunan nila ito ng video habang gina-gang rape.
Hindi naman makapagsumbong ang biktima dahil umano tinatakot nila ito na ipakakalat ang video at sasabihin ito sa kanyang pamilya.
Matapos ng pagdinig ng kaso laban sa 17 suspek, nag-apoy sa galit ang iba pang mga residente sa naturang complex at sinibak ang mga natitirang empleyado dito.
Nag-volunteer naman ang ilang mga kababaihan na gwardiyahan ang entrada ng complex. (Remate News Team)