11-anyos pababa na may bakunadong magulang papayagang makauwi ng probinsya – PPA

11-anyos pababa na may bakunadong magulang papayagang makauwi ng probinsya – PPA

January 19, 2022 @ 4:21 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA) na papayagang makauwi ng probinsya ang mga nasa 11-anyos pababa kung ang kanilang magulang ay bakunado na laban sa COVID.

Sa panayam kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, sinabing ang paglalakbay ng returning residents ay ikinokonsiderang essential.

“Papayagan po, provided po na ‘yung rason kung bakit sila ay pupunta sa kanilang destinasyon ay dahil po sila ay returning residents.”

Nakatanggap anila sila ng ulat tungkol sa mga hindi pinapasok sa pantalan dahil sa may kasamang hindi bakunadong bata na nasa edad 11 pababa.

Maaalalang noong Enero 11, naglabas ang DOTr ng Department Order No. 2022-001 na nagsasabing tanging bakunado lamang sa COVID ang pasasakayin sa PUVs. RNT/FGDC