11 arestado sa iligal na sabong

11 arestado sa iligal na sabong

January 3, 2022 @ 11:12 AM 7 months ago


Ilocos Sur – Arestado ang 11 katao matapos silang maaktuhan ng mga otoridad na nagsasagawa ng illegal cockfighting sa Brgy. Tay-ac, Bantay ng lalawigang ito kahapon, January 2.

Ang mga naaresto ay sina: Leon Hidalgo Monces, 32; Edwind Kasal Santiago, 52; Adriano Lopez Hidalgo, 56; Joseph Viernes Pula, 36; Jose Laurente Madriaga, 75; Eric Pagaoa Hidalgo, 41; pawang mga residente ng naturang lugar; Agapito Merculio Bautista, 59, Reymark Mercurio Bautista, 30, parehong residente ng Brgy. Cabaroan, Bantay; Dionisio Domenden Lopez, 52; Babet Domenden Tipon, 32; kapuwa residente ng Brgy. Lingsat, Bantay; at, Maximon Palacpac Presto, 56, residente ng Brgy. Ora East, Bantay.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3 boxes ng slasher gaff, 9 na buhay na panabong na manok, isang patay na panabong na manok, Php 65,490.00 na bet money, 9 na motorsiklo, isang motorized tricycle, at isang mountain bike.

Ang mga suspek pati na ang mga nakumpiskang mga ebidensya ay nasa kustodya ngayon ng Bantay Municipal Police Station para sa mga gagawing dokumentasyon at disposisyon. Rolando S. Gamoso