11 bahay wasak sa buhawi sa Iloilo

11 bahay wasak sa buhawi sa Iloilo

May 29, 2021 @ 11:28 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Nasira ang 11 bahay makaraang daanan ng buhawi sa Brgy. Casalsagan sa Pototan, Iloilo, kahapon.

Kwento ng mga residente, biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng napakalakas na hangin na nagdulot ng pagkasira ng mga bahay.

Kasalukuyang tinutukoy pa ng MDRRMO Pototan ang halaga ng napinsala ng buhawi.

Nakalikas sa evacuation center ng barangay ang mga apektadong pamilya.

Samantala, nagpadala na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Pototan sa mga naapektuhan ng buhawi. RNT/FGDC