11 bulagta sa COVID-19 sa Bulacan

11 bulagta sa COVID-19 sa Bulacan

June 7, 2022 @ 3:35 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang 11 na indibidwal sa loob ng anim na araw habang 35 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Sa update ng Bulacan Provincial Health Office bandang alas-4 nitong Lunes,  nasa 1,709 ang kabuuang namatay mula sa dating bilang na 1,698 na naitala noong March 31.

Bumaba naman sa 35 na lamang ang aktibong kaso na may naitalang 12 fresh cases nitong June 6 mula sa huling bilang na 63 noong Marso 31.

Umabot naman sa 107,786 ang kabuuang nakarekober mula sa dating bilang na 107,750 sa kaparehong petsa at buwan.

Napag-alamang nasa 109,511 ang kabuuang naitalang beripikadong kaso ng COVID-19 simula Marso 2020.

Paalala ng kinauukulan na patuloy na mag-ingat sa banta ng virus at isagawa ang minimum public health standards. DickMirasol