11 drug suspects, nalambat ng QC police

11 drug suspects, nalambat ng QC police

June 28, 2018 @ 4:08 PM 4 years ago


 

Quezon City – Nalambat ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang labing-isang (11) hinihinalang drug suspek sa anti-criminality at anti-illegal drug operation sa iba’t ibang lugar ng Quezon City kaninang madaling araw.

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr. kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PCSupt Guillermo Lorenzo T Eleazar, unang nadakip ng La Loma Police Station 1 sa anti-criminality patrol si Rafael Valencia,53, ng No.1472 Blumentritt St., Brgy. 496 Zone 49, Manila, dakong alas 12:00 ng madaling araw, June 28, 2018.

Ito’y matapos itawag ng isang concerned citizen sa pulisya ang umano’y  nagaganap na drug trade sa kahabaan ng Blumentritt corner Simoun St., Brgy. Salvacion at nadakip ang suspek at nakumpiska ang umano’y sachet ng shabu.

Habang nadakip naman ng Talipapa police station si Augusto Rodriguez, 42, Florence Gardose,25 at Ria Gumez, pawang residente ng Brgy. Baesa, QC na nadakip ng mga pulis dakong 5:00 ng madaling araw Hunyo 27, 2018 sa Gawad Kalinga, Sitio Pajo, Brgy. Baesa habang nagkakaroon umano ng illegal drug transaksyon at nakuha sa mga ito ang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Habang nadakip naman ng Anonas Police Station 9 si Zaldy Nepomuceno,34, Rizaldo Acacio, 45, kapwa residente ng Brgy. UP Campus, at Jeppe Sescon, 28, ng Brgy. Loyola Heights, dakong 11:00 ng gabi sa Block 1 Daan Tubo, Brgy. UP Campus matapos itawag ng concerned citizen na may nagaganap na shabu session sa lugar.

Kaugnay nito nadakip naman ng Anti-illegal drugs operatives ng Galas Police station 11 sa buy-bust operation si Pablo Ramos, 65, residente ng Brgy. Doña Imelda, at Noel Tausa,39, ng Brgy. Tatalon, dakong 3:20 ng hapon sa kahabaan ng Kapiligan St., Brgy. Doña Imelda at nakumpiska ang tatlong sachets ng shabu at buy-bust money.

Samantala, nadakip naman ng Eastwood Police Station 12  si Mark Bryan Lucenda, 31, ng Sta. Mesa, Manila at Melvic Soriano, 23 ng Cainta, Rizal, dakong 10:30 ng gabi matapos itawag ng concern citizen na may nagaganap na illegal na sugal sa Mercury Ave. Brgy. Bagumbayan makaraang respondihan ng mga pulis nagtakbuhan ang mga nagsusugal ng cara y cruz, subalit nahuli ang dalawa at ng kapkapan nakuha kay Soriano ang sachet ng shabu. (Santi Celario)