11 kilo ng marijuana nakumpiska sa Antipolo

11 kilo ng marijuana nakumpiska sa Antipolo

October 14, 2022 @ 2:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kaugnay ng walang humpay na kampanya laban sa illegal na droga, nagkasa ng drug buy bust operation ang mga operatiba ng iba’t ibang unit ng PNP katuwang ang PDEA-4A Huwebes ng gabi, Oktubre 13 sa kahabaan ng Grand Heights Road, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Nag-ugat ang operasyon dahil sa impormasyong natanggap ng mga operatiba ng RPDEU-4A tungkol sa nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugarat mga karatig na bayan sangkot ang isang alyas “MABET.”

Agad na nagsagawa ng buy bust operasyon ang RPDEU-4A sa pangunguna ni PCPT. Juan Carlo Porciuncula at patnubay ni PLTCOL Rodel Ban-O, hepe ng RPDEU katuwang ang Antipolo CPS, Rizal PPO, PDEG-SOU4 at PDEA 4A.

Positibong nakabili ng isang brick ng dried marijuana sa suspek ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Kinilala ang suspek na si Maria Victoria Perito alyas Mabet, kabilang sa listahan ng high valued individual (HVI) at kasalukuyang nakatira sa Antipolo City.

Nakumpiska mula rito ang tuyong dahon ng Marijuana na may timbang na 11 kilos at tinatayang nagkaka halaga ng Php1,320,000.00, isang cellphone, isang ecobag at buy bust money.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dadalhin sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination at tamang disposisyon

Samantalang ang naarestong suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay nakapiit sa Antipolo Custodial Facility.

Ang matagumpay na drug buy bust operation ng kapulisan ng CALABARZON at PDEA-4A ay bunga ng seryosong kampanya laban sa iligal na droga.

“Dahil sa maagap na aksyon ng ating kapulisan kayat naiwasan na maikalat sa kalye ang 11 kilos ng nasamsam na Marijuana. Maraming buhay ng ating mga kababayan ang naisalba sa tiyak na kapahamakan. Kapuri-puri ang inyong ipinakitang dedikasyong sa pagganap sa inyong sinumpaang tungkulin,” ani PCol. Dominic Labbao Baccay, Provincial Director ng Rizal PNP. Rene Tubongbanua