11 mananaya sa ‘drop ball’ syut sa kulungan

11 mananaya sa ‘drop ball’ syut sa kulungan

December 15, 2021 @ 11:23 AM 10 months ago


Bulacan-Arestado ang 11 indibidwal kabilang ang mananaya,tauhan at nagpapasugal sa anti-illegal gambling operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga naarestong sina Raymond Pincas,Gemma Dizon,perya crew,Rogelio Galvez,perya crew,Ronilo Teodocio,Peter Joshua,perya crew,John Carlo Cruz,Rey Olivar,Jake Acas,Nice Sarmiento,Irish Joy Lauron at Princess Steff Larobis kapwa residente ng Brgy. San Isidro.

Sa report ng SJDM police,naaresto ang mga suspek bandang 9:15 pm nitong Martes,Disyembre 14 sa isang peryahan sa Purok 3,Brgy.San Isidro.

Ayon sa pulisya,nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng tawag sa isang concerned citizen ang istasyon na may nagaganap na iligal na sugal na “drop ball” sa peryahan.

Dahil dito,agad nagsagawa ng operasyon ang pulisya kaya nahuli ang mga suspek na aktong tumataya,nagpapataya at ang nagpapasugal sa lugar.

Sinasabing ang ilang mananaya ay mabilis na nagtatakbo at nakatakas sa pagsalakay ng mga awtoridad sa naturang peryahan.

Nakumpiska sa operasyon ang drop ball game set at P3,100 bet money habang nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 ang mga suspek. Dick Mirasol III