11 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka

11 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka

December 1, 2022 @ 10:50 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Cast Guard (PCG) ang 11 mangingisda matapos tumalon ang kanilang bangkang pangisda sa karagatan sakop sa pagitan ng Tictabon Island at Mampang Zamboanga City.

Sa report, nakatanggap ang PCG ng tawag mula sa mga residente ng Mampang hinggil sa tumaob na bangkang F/B JAYA-1 sakay ang 11 mangingisda kabilang ang kapitan nito pasado alas-10:00 ng gabi.

Dalawa sa mangingisda ang unang nasagip ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group.

Nailigtas naman ng PCG Station Zamboanga ang apat na mangignisda na nasa maayos na kalagayan.

Nakalipas ang isang oras, nasagip rin PCG search and rescue (SAR) team ang lima pang mangignisda na nasa ibabaw ng tumaob nilang bangka na tinatayang may layong 2.5 nautical miles mula sa baybayin ng Mariki Island sa Zamboanga.

Nahatak naman ng Philippine Navy floating asset ang bangka ng mga mangingisda at saka ito nadala sa malapit na dalampasigan.

Sa kasalukuyam, iniimbestigahan pa ng Coast Guard ang dahilan kung bakit tumaob ang nasabing bangka kung saan isa sa nakikita nilang dahilan dito ay ang malakas na alon ng karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden