11 na OFW sa Riyadh, humihingi ng tulong para makauwi sa bansa

11 na OFW sa Riyadh, humihingi ng tulong para makauwi sa bansa

June 29, 2018 @ 10:05 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Humihingi ng tulong ang 11 na OFW na nakabase sa Riyadh para makauwi ng bansa dahil umano sa pananakit ng kanilang employer at pagkulong sa kanila sa isang silid dahil lamang sa maliliit na pagkakamali.

 

Ayon pa sa mga biktima, hindi rin daw sinusunod ng employer nila ang kontrata ng mga ito at kinuha pa ang kanilang mga papeles kasama na ang kanilang igama o work permit.

 

Sinabi naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na ang kanilang opisina ay kinausap na ang mga nasabing OFW at kakausapin susunod na kakausapin ang mga employer nito.

 

“Kung talagang nais na ng mga workers na umuwi ay ia-arrange na rin na bibigyan sila ng exit visa,” sabi pa ni Cacdac.

 

Ang mga pamilya naman ng mga OFW ay makikipagkita sa mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration ngayong Biyernes para kausapin ang counterpart ng Pilipinas sa employment agency.

 

Kamaikailan ay pinirmahan na ang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas kung saan mahigpit nitong sinisigurong matutupad ang mga panuntunan laban sa physical abuse at pagtatago ng mga dokumento ng mga foreign service workers.

Dahil dito, sinabi rin ni Cacdac na ang Pilipinas ay patuloy na makikipag-usap sa mga pulis at sa Ministry of Labor ng Kuwait upang mabigyan ng hustisiya ang mga biktimang OFW.

“Kakausapin yung employer, ‘yung Kuwaiti agency, tayo naman yung Philippine agency at ‘yung worker, para maisagawa ang pagsagip,” sabi niya.

Ang MOU sa Kuwait ay pagbabasehan ng Pilipinas sa mga susunod na labor agreement sa iba pang Gulf states. (Remate News Team)