11 nawawala sa nasusunog na barko sa Greece

11 nawawala sa nasusunog na barko sa Greece

February 21, 2022 @ 9:53 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Isang survivor ang natagpuan ng mga bumbero mula sa nasusunog na barko na patungo sanang Italy mula sa Greece.

Nagawang maisalba ng mga rescuer ang nasa 281 mula sa 292 na mga pasahero at crew ng barko matapos na masunog ang Italian-flagged Euroferry Olympia noong Biyernes.

Gayunman, 11 pang sakay nito ang hindi pa rin nakikita habang wala pa silang iniaanunsyong nasawi sa insidente.

“Firefighters are still battling the fire and crews are searching for more people,” ayon sa fire brigade.

Ayon sa Greek coast guard, ang lalaking nasagip kahapon ay mula sa Belarus habang ang iba pang nawawala ay mga Bulgarian, Turkish at Greek national.

“Since one person is rescued, we are optimistic that more survivors can be found,” ani Nikos Alexiou, tagapagsalita ng Greek coastguard.

Samantala, karamihan sa mga sakay ng barko ay mga truck owners at drivers na magdadala sana ng mga kalakal sa Europa.

Iniimbestigahan pa ang posibleng pinagmulan ng sunog. RNT