11 nawawalang seafarer sa Beirut ligtas na; 24 Pinoy sugatan

11 nawawalang seafarer sa Beirut ligtas na; 24 Pinoy sugatan

August 6, 2020 @ 7:57 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Beirut – Natagpuan na ang 11 nawawalang Pinoy seafarer sa Beirut makaraan ang naganap na pagsabog, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay mula sa kumpirmasyn ng Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs mula sa report ng Philippine Embassy sa Beirut na ang lahat ay ‘accounted for.’

Saad pa ng DFA, ang mga seaferer ay nagtamo ng minor injury.

Samantala, nasa 24 naman ng Pilipino ang sugatan sa naturang pagsabog.

Kasalukuyan namang may dalawang nasawi at isa pa ang nawawala.

Ang lahat ay nasa maayos nang kondisyon bukod sa isang kritikal. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...