11 OFWs hinarang sa Dubai

11 OFWs hinarang sa Dubai

October 15, 2020 @ 6:11 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

DUBAI, United Arab Emirates — May  11 overseas Filipino workers ang ‘di pinayagang makapasok sa Dubai dahil sa kabiguang makapag-secure ng kinakailangang approval mula sa kinauukulang ahensya ng UAE government.

Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes, head ng Philippine Mission to Dubai, Oktubre 9, 2020 nang dumating sa Dubai ang naturang mga OFW at agad din silang pinabalik sa Pilipinas lulan ng kasunod na available flight.

 “Airline diligence dapat ‘yan. The airline paid for their  return (flight). This was the reason why we had to remind our kababayans,” ayon kay Cortes.

Nauna rito, nag-isyu ang Philippine Consulate General ng advisory sa mga nagbabalik na OFWs sa UAE sa pamamagitan ng Dubai International Airport na kumuha ng approval mula sa concerned government agencies bago umalis sa Pilipinas para tiyak na makabalik sa Dubai.

Nakasaad sa Public Advisory 18-2020,na inisyu noong Oct. 12 o tatlong araw bago ang insidente,  nakasaad na maaaring makuha ang approval mula sa  General Directorate of Residency and Foreigners Affairs ng Dubai para sa mga may hawak na Dubai-issued residence visa; o  UAE’s Federal Authority for Identity and Citizenship para naman sa mga may visa na inisyu ng alinman sa anim na iba pang emirates ng UAE.

Kapag wala umanong approval na bumalik sa Dubai, hindi papayagang makapasok ang sinoman, ayon pa sa advisory na inisyu dahil sa patuloy na pagbabalik ng mga OFW bunsod ng unti-unting pagbabalik sa normal ng operasyon ng Dubai airport. RNT 


  •  
  •  
  •  

Loading...