11 pang sundalong nasawi sa C-130 plane crash nakilala na

11 pang sundalong nasawi sa C-130 plane crash nakilala na

July 11, 2021 @ 3:52 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nakilala na ang labing isang  miyembro ng airforce  na kasama sa bumagsak na C130 sa Sulu habang ang isa pa ay kinukumpirma pa.

Ito ay ayon kay Lt.Col Maynard Mariano, spokesperson ng Philippine Air Force,  sa Balitaan sa Maynila ngayong Linggo.

Sinabi ni Mariano na kailangan makasiguro dahil nakakatulong di  ito sa ginagawang imbestigasyon at respeto na rin sa lamilya ng nasawing airfirce.

‘Sa ngayon sa airforce side, eleven na po ang na-identified  na po lahat and for the army po , tuloy tuloy pa rin yung ibang ginagawa .Para sa army, alam ko 29 na out of the 49 po  na  mga personnel natin.’

Sa ngayon  aniya ay wala pang update kung may dadalhin na mga labi sa Manila o Vilamor habang ang iba ay dinala sa kanilang mga probinsya at ang iba naman ay sa Mactan at Cagayan de Oro. Jocelyn Tabangcura-Domenden