11 parak na sangkot sa pandurukot, sinibak sa pwesto

11 parak na sangkot sa pandurukot, sinibak sa pwesto

October 24, 2022 @ 9:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Labing-isang pulis na inaakusahang sangkot sa pagkawala ng apat na indibidwal sa Cavite noong 2021 ang inalis sa serbisyo, kasunod ng mga reklamo na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI).

Batay sa ulat nitong Linggo, kasbilang sa mga na-relieve sa pwesto si Police Lieutenant Colonel Ryan Orapa na namuno sa Regional Drug Enforcement Unit of the NCRPO.

Kasama rin sina Police Lieutenant Jesus Menez, Police Staff Sergeant Ronald Lanaria, Police Staff Sergeant Ronald Montibon, Police Staff Sergeant Troy Paragas, Police Staff Sergeant Roy Pioquinto, Police Staff Sergeant Robert Raz Jr., Police Corporal Christal Rosita, Police Corporal Denar Roda, Police Corporal Alric Natividad, at Police Corporal Ruscel Solomon.

Nauna nang naghain ang NBI Task Force Against Illegal Drugs eng reklamo laban sa 11 sa kidnapping, serious illegal detention, at sa anti-enforcement ng Involuntary Disappearance Act.

Kaugnay ang mga reklamo ng pagdukot sa tatlong indibidwal na umano’y sangkot sa sabong– ang magkaptid na sina Gio at Mico Mateos, at kanilang kaibigan na si Gary Matreo—sa  Alfonso, Cavite noong Abril 2021.

Makikita sa CCTV footage na naghihintay si Gio sa isang kanto at isinakay sa isang itim na sasakyan, habang si Mico ay namataang sakay ng motorsiklo nang isakay sa isa pang puting kotse.

Sinasabing sangkot din ang mga opisyal sa pagkawala ni Ronald Añonuevo sa Dasmariñas.

Inihayag ng NCRPO na nakikipag-ugnayan na ito sa mga awtoridad ukol dito. RNT/SA