11 paslit sapul ng HFMD sa Bulacan

11 paslit sapul ng HFMD sa Bulacan

November 22, 2022 @ 2:51 PM 5 days ago


Bulacan – Tinamaan ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) ang nasa 11 paslit na pawang estudyante ng isang paaralan sa bayan ng Obando.

Ayon kay Aling Perry, 44, residente ng Brgy. Catanghalan, kabilang sa 11 ang kanyang babaeng anak na tinamaan ng HFMD mula sa isang silid aralan ng paaralan.

Aniya, nasa edad 5 pababa ang mga pawang estudyante na tinamaan ng sakit na nagsimula nitong nakaraang Huwebes, Nobyembre 17.

Nalamang HFMD ito dahil halos pareho ang findings ng mga pediatrician ng mga paslit na tinamaan ng naturang sakit.

Tinubuan umano ang mga paslit ng butlig sa ibat-ibang parte ng katawan kasabay ang singaw sa dila at bibig.

Sinasabing pinayuhan ang mga batang tinamaan ng HFMD na huwag na munang pumasok hanggang 10 araw para hindi na makahawa sa kanilang mga kaklase.

Isinusulat ito, posibleng dini-disinfect na ang naturang paaralan para tuluyang mawala na ang pinagmulan ng naturang sakit. Dick Mirasol III