11 patay, 2 nawawala sa bagyong Dante – NDRRMC



11 patay, 2 nawawala sa bagyong Dante – NDRRMC

June 7, 2021 @ 6:10 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 MANILA, Philippines – Patay ang 11 indibidwal sa pananalasa ni bagyong Dante habang dalawa pa ang nawawala ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga ito ay naitala sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Davao, at Soccsksargen.

Samantala, 3,284 bahay ang napinsala ni Dante sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Davao, at Caraga kung saan 3,123 ang bahagyang napinsala at 161 ang pinatumba ng bagyo.

Apektado rin ni Dante ang 124,462 katao o 29,916 pamilya sa 479 barangay sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Davao, Soccsksargen, at Caraga.

Kasalukuyan namang nasa evacuation centers ang 861 indibiwal o 241 pamilya.

Umabot naman sa P91.6 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura na naiulat sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Davao, Soccsksargen, at Caraga.

Pumalo naman sa P131 milyon ang pinsala sa imprastraktura sa Mimaropa, Central Visayas, Soccsksargen, at Caraga.

Apektado rin ang suplay ng kuryente sa 18 probinsya ng Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.

Habang network interruption ay naranasan sa Northern at Eastern Samar.

Kanselado rin sa bagyo ang walong domestic flight sa Surigao, Antique, at Caticlan.

Nastranded din dahil sa bagyo ang 341 pasahero at 110 rolling cargoes sa Caraga. RNT/ELM


  •  
  •  
  •